TalkBack
Ang TalkBack ay isang serbisyo ng screen reader para sa mga user na may kapansanan
sa paningin. Gumagamit ang TalkBack ng sinasalitang feedback upang maglarawan ng
anumang mga kaganapan o pagkilos na isinasagawa sa iyong Android device.
Inilalarawan ng TalkBack ang user interface at nagbabasa ito ng mga error sa software,
mga notification at mga mensahe.
Upang i-enable ang TalkBack
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Pagiging Naa-access > TalkBack.
3
Tapikin ang on-off switch at pagkatapos ay tapikin ang
OK.
Upang baguhin ang mga kagustuhan para sa pagsasalita, feedback at pag-touch para sa
TalkBack, tapikin ang
Mga Setting.
Naglulunsad kaagad ang TalkBack pagkatapos mong i-enable ang feature. Upang lumabas sa
tutorial, tapikin ang button na
Lumabas nang dalawang beses.
Upang i-disable ang TalkBack
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin nang dalawang beses ang .
2
Hanapin at tapikin nang dalawang beses ang
Mga Setting > Pagiging Naa-
access > TalkBack.
3
Tapikin nang dalawang beses ang on-off switch at pagkatapos ay tapikin nang
dalawang beses ang
OK.