Sony Xperia T2 Ultra - Pagbuo

background image

Pagbuo

Nakakabit ang isang pamprotektang plastic na sheet sa screen. Dapat mong alisin ang

sheet na ito bago mo gamitin ang touchscreen. Kung hindi man, maaaring hindi gumana

nang maayos ang touchscreen.

Upang ipasok ang micro SIM card

8

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

1

Magpasok ng kuko sa puwang sa pagitan ng takip ng lalagyan ng micro SIM card

at ng device, pagkatapos ay tanggalin ang takip.

2

Gamit ang kuko, hilahin palabas ang holder ng micro SIM card.

3

Ilagay ang micro SIM card sa holder nang nakaharap sa itaas ang mga kulay

gintong contact sa micro SIM card.

4

Ibalik ang holder ng micro SIM card sa device.

5

Muling ikabit ang takip ng slot ng micro SIM card.

Upang maglagay ng memory card

1

Magpasok ng kuko sa puwang sa pagitan ng takip ng memory card at ng device,

pagkatapos ay alisin ang takip ng memory card.

2

Ilagay ang memory card sa slot ng memory card, nang nakaharap pababa ang

mga kulay gintong contact, pagkatapos ay itulak nang ganap ang memory card sa

slot hanggang sa may marinig kang tunog ng pag-lock.

3

Muling ikabit ang takip ng memory card.

Upang tanggalin ang micro SIM card

1

Alisin ang takip ng micro SIM card slot.

2

Tanggalin ang micro SIM card holder.

3

Alisin ang micro SIM card.

4

Ibalik ang micro SIM card holder sa slot nito.

5

Muling ikabit ang takip ng slot ng micro SIM card.

Upang tanggalin ang memory card

1

I-off ang device at alisin ang takip ng slot ng memory card.

2

Itulak papasok ang memory card at pagkatapos ay bitawan ito nang mabilis.

3

Muling ikabit ang takip.

Sa halip na i-off ang device, maaari mo itong iwanang naka-on at i-unmount ang memory card

sa

Mga setting > Imbakan > I-unmount ang SD card.

9

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.