Sony Xperia T2 Ultra - Paghahanap ng nawawalang device

background image

Paghahanap ng nawawalang device

Kung mayroon kang Google™ account, makakatulong sa iyo ang serbisyo sa web ng

"Proteksyon ng my Xperia" na mahanap at ma-secure ang iyong device kung sakaling

mawala mo ito. Kung na-aktibo mo ang serbisyong ito sa iyong device, maaari mong:

Hanapin ang iyong device sa isang mapa.

Magpatunog ng alerto kahit na nasa Do not disturb mode ang device.

I-lock nang malayuan ang device at gawing nakikita ang iyong mga detalye sa pakikipag-

ugnayan sa pamamagitan ng device sa sinumang makahanap nito.

I-clear nang malayuan ang panloob at panlabas na memory ng device kung wala nang

magagawa pa.

Maaaring hindi available sa lahat ng bansa/rehiyon ang serbisyong “Proteksyon ng my Xperia”.

Upang i-aktibo ang serbisyong Proteksyon ng my Xperia sa iyong device

1

Tiyaking mayroon kang aktibong koneksyon sa data

2

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Seguridad > Proteksyong hatid ng my

Xperia > I-activate.

4

Markahan ang checkbox upang sumang-ayon sa mga tuntunin at kundisyon sa

paggamit ng Proteksyon ng serbisyo ng my Xperia, pagkatapos ay tapikin ang

Tanggapin.

5

Kung mapo-prompt ka, mag-sign in sa iyong Google™ account, o gumawa ng

bago kung wala ka pang ganito.

6

Paganahin ang mga serbisyo ng lokasyon sa iyong device kung hindi pa

pinapagana ang function na ito.

Upang mapatunayan na matatagpuan ng Proteksyon ng my Xperia ang iyong device

pagkatapos mong i-aktibo ang serbisyo, pumunta sa

myxperia.sonymobile.com

at mag-sign in

gamit ang Google™ account na na-set up mo sa iyong device.