Sony Xperia T2 Ultra - Paghanap sa identification number ng iyong device

background image

Paghanap sa identification number ng iyong device

Ang iyong device ay may natatanging ID (identification) number. Sa iyong device, ang

numerong ito ay tinatawag na IMEI (International Mobile Equipment Identity). Dapat kang

magtago ng kopya ng numerong ito. Maaaring kailanganin mo ito, halimbawa, kapag

ina-access mo ang serbisyo ng Xperia™ Care support at kailangan mong irehistro ang

137

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

iyong device. Gayundin, kung mananakaw ang iyong device, maaaring gamitin ng ilang

network provider ang numerong ito upang mapigilan ang device na ma-access ang

network sa inyong bansa.

Upang tingnan ang iyong IMEI number

1

Tanggalin ang takip ng slot ng micro SIM card at alisin ang SIM card kasama ng

holder nito.

2

Magpasok ng matulis na bagay (gaya ng pen na may pinong dulo) sa butas sa

label tray, pagkatapos ay hilahin palabas ang tray nang dahan-dahan at pataas

upang tingnan ang iyong IMEI number.

Maaari mo ring buksan ang dialler ng telepono sa iyong device at ipasok ang

*#06#

upang

tingnan ang IMEI number.

Upang tingnan ang iyong IMEI number sa pamamagitan ng mga setting ng device

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Tungkol sa telepono > Katayuan >

Impormasyon ng IMEI.